"We can change the landscape where the working class operates. But it will require more of us—all of us—to insist on a future that our people truly deserve. Napakarami pa nating kailangang gawin para makamit ang pangakong ito. Kaya lalong mas mahalaga na hindi tayo tumigil sa pagboses… sa pagkalampag… at sa pagbasag ng mga sistema, na matagal nang hindi makatarungan para sa mga manggagawang Pilipino."

Mula sa talumpati ni Mayor Joy Belmonte, Punong Lungsod ng Quezon, Panauhing Pandangal sa UP SOLAIR Araw ng Pagkilala 2026.

Kaakibat ng kaalaman ang pananagutan, at kaakibat ng pagtatapos ang paninindigan. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang mensaheng ito sa ating mga nagsipagtapos na gamitin ang kanilang talino, kakayahan, at malasakit upang maisulong ang mga karapatan, kapakanan, at dangal ng manggagawang Pilipino.